Miyerkules, Hunyo 29, 2016

 ARTIKULO TUNGKOL SA WIKA

Ano ang mangyayari sa tao kung walang wika? Siguradong,hindi magkakaintindihan ang mga tao sa isang lipunan o bansa. Ang wika ang pinakamahalaga sa lahat kung walang wika hindi magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya. Sa artikulong ito nakasaad kung ano ang kahalagahan ng wika. Ang wika ay ating ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. Kung walang wika hindi magkakaintindihan ang mga tao sa mundong ibabaw.Ang wika rin ang dahilan kung kaya tayo ay nagkakaisa.

Sa paaralan, paano kung wala tayong wikang ginagamit? Magkakaintindihan ba nag bawat mag-aaral? Kung walang wika wala rin tayong tamang komunikasyon sa isat-isa. Hindi natin dapat laitin ang ating sariling wika.Ayon nga sa kasabihan 'ANG HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA MABAHO AT MALANSANG ISDA'.

Dapat respetohin natin ang ating wika dahil pinaghirapan ito ng ating mga bayani sa panahon ng pananakop at ng nasakop tayo ng mga dayuhan.Kung hindi ang ating wika ang ating binigyang pansin siguradong mga wikang banyaga ang ating mga lingwahe at hindi tayo magkakaintindihan sa napakaraming banyaga ang dumagsa sa ating bansa.

Dugo at pawis ang inalay ng ating mga bayani para sa atin una na rito ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na binaril na walang kalaban-laban.Mahalin natin ang ating sariling atin dahil sa ganitong paraan mabigyan natin ng kasarinlan ang pagbuwis nya ng buhay para sa ating kalayaan. 

Hindi lamang sa salita pati rin sa gawa ,ipagmalaki na tayo ay mga Pilipino, mahalin at tangkilikin natin ang aating sariling wika.Nawa'y nalaman natin ang totoong kahalagahan ng WIKA